PULANG BESTIDA..

Ramdam ko ang pakikiramay ng ulan sa akin. Naririnig ko sa nagngangalit na hangin ang hapis na aking nararamdaman. Hindi lamang pagiisa at pangungulila ang nababatid ko sa aking puso. Galit-
“Anak, hindi ka ba sasama sa akin sa laot?” tanong ni Itay habang inaayos ang lambat at ilaw na lagi niyang inilalagay sa bungad ng pinto..
“Ho?… Si…”
Hindi pa man tapos ang aking tugon ay sumabad na si Ina.
“Huwag na Mario. Mas mainam kung mangangahoy yang anak mo nang pareho kayong mapakinabangan. Aba’y napapagod din ako sa kagagawa ditto sa bahay, akala ninyo.” May pagmamalaki sa boses niya na tila baga’y buong araw na gumagawa ng mgta gawaing bahay.
“Siya kung ganoon ay ako’y papalaot na.” Nahihiyang sagot ni Itay at nakatungong binitbit ang lambat at lampara sakaling siya’y abutin ng dilim sa dagat.
Nang makalayo si Itay ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Ina. Nakatingin siya sa akin. Sa tuwing gagawin niya ito ay laging sumasagi sa isip ko ang mga papuri o panhiinis ng mga tao sa labasan, magkamukha daw kami ni Ina, at marahil daw ay magkaugali. Tumaas ang isa niyang kilay at ngumiti ng bahagya. “Baka naman gusto mo nang kumilos Marlon? O baka, hinihntay mo’y latay na naman?”
Sa takot ay umusod na ako palabas ng bahay at tumungo sa gubat sa may likuran ng bahay.
Unti-unti nang isinusulong ang kahong lulan ay malamig na bangkay ni Itay. Mahigpit ang akingn kapit sa supot na ibinigay niya sa akin. Hindi ko mapigilang umiyak at magdalamhati. Halos hindi ko na maramdaman ang lamig na dulot ng malakas na ulan. Ang yakap ng ulan at hangin ang humahaplos sa aking katawan, nakikiramay.
Sumapit na ang dilim. Dinig ko ang yabag ng mga paa ni Itay sa mahuna naming papag. Deretso niyang inilapag ang bitbit na lambat at lamparang wala nang sindi sa may bungad ng pinto. “Marlon, anak! Nasaan ka? Lika’t ako’y may dala para sainyo ng iyong ina.” Dinig kong may saya sa tinig niya bitbit ang dalawang supot, mar4agil ay para sa amin ni Ina. Ngunit para bang bukal ang aking dibdib. Bumubukal ang napakalakas na takot. At ayaw kong malaman niya iyon.
Tinapik ako ni Tiya Onang sa aking balikat. Hudyat na kailangan na niyang umalisat balikan ang mga munting anak na kanyang iniwan sa kanilang dampa.
“Anak, sa tingin ko’y kailangan na nating umuwi. Lumalaks na ang ulan at baka magkasakit pa tayong dalawa. Kung gusto mo’y sumabay ka na sa akin paguwi.” Yakag ng butihin kong Tiya.

Tanging ngiti lamang ang naitugon ko at tuloy asy napatungo. Alam na ni To\iya ang ibig kong ipahiwatig. Umalis na siya at iniwan na kaming dalawa ni Itay.
Hindi tumigil sa panginginig ang aking mga kamay. Piglan ko mang pilit, kita pa rin at ramdam sa mukha ko ang takot. Patuloy anng pag-alog ni Itay sa maliit kong katawan. Pitong taong gulang na ako ngunit payat at hindi kasiglahan.
“Ano ba ang nangyri? Ano ba ang nangyayari sa iyo?! Sumagot ka!” sigaw ni Itay.
Iling lamang ang kayang isagot ng mura kong isip. Pinipilit kong umimik ngunit hindi ko kaya.
Tahimik. Tahimik ang paligid. Walang umiibo sa aming dalawa. Si Itay, nakatingin lamang siya sa pinto ng silid nila ni inay, na lubha kong ikinatakot.
“Ina!!!!!”
Gusto kong lamunin ng lupa ang katawan ko. Nais kong ngumanga ang bunganga ng tinatapakan ko, kainin ako at lulunin. ‘Isama mo na ako Itay’ ang mga salitang naglalaro sa aking isip. Gusto kong sumugaw ngaunit natatakpan ng lungkot ang aking lalamunan. Parang batong bumara ang hapis na aking nararamdaman.
Hindi ko alam ang dahilan. Pagiisa? Paghihirap? Pagdurusa?
Halos di ko maabutan ang yabag ni Itay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta hawak niya ako sa mapayat kong braso. Tinataning ko siya kung saan kami tutungo, ngunit tahimik lamang siya. May kunot sa noo at nanginglid ang animo’y mainit na luha sa malamlam niyang mata.
Kasalanan ko ito. Hindi ako nagbantay. Pero kasalanan n iya ito. Siya ang may kasalanan.
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin. May kirot sa aking puso, dumalaw ang luha naming ni Itay ng halos sabay. Iyo’y hudyat ng kanyang paghinto mula sa paglalakad. Lumuhod siya sa aking harapan, kasunod niyon ay narinig ko ang pagiyak ni Itay.
“Itay…” ang tangi kong nasabi. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at pinahid ang luha sa pisngi ng kaawa-awa kong ama.
Nagising ako sa katre sa silid ng aking lola. Doon nga pala kami dumeretso sakay ng isang de-padyak. Inilibot ko ang aking mata ngunit hindi ko natagpuan si Itay sa aking piling.
Tama, sila nga ang narinig kong naguusap. Ang malambing na tinig ng isang ina, kay tagal ko ring hinanap.
‘Hindi kita pinilit na pakisamahan angn babaeng iyon…” sabi ni inang Telma. “…at ayaw ko rin sanang panagutan mo ang hindi mo kasalanan.
Hindi ko maintindihan. Sino ba ang nagkasala? Ano ba ang kasalanan? Napakagulo ng kanilang paguusap.
“Inang baka marinig kayo ng apo ninyo. Opo alam kong may pagkakamali din po ako sa mga nangyari, pero…”
“Anak huwag mong sisihin ang sarili mo. Minahal ko rin si Marlon, pero hindi..”
“Inang tama na ho… Anak ko ho si Marlon…”
Di pa man tapos ay tinapos na ng ama ko ang kanilang usapan, pumunta sa kusina at ipinagpatuloy ang marahil ay kanina pang niluluto. “Ipagluluto ko kayo ni Marlon ng paborito nyong dalawa.”
Alam kong pareho silang ngumiti.
Noo’y bumangon na din ako at tinungo ang aking Inang. Ngiti agad ang sumilay sa kanyang labi.
“Amoy sinigang, Inang. Nagugutom na po ako.’’
“Hijo, halika’t ika’y hahagkan ko.”
Pagkatapos ng halik sa aking noo ay inakay na niya ako sa kusina at pinaupo sa hapag malapit sa kanyang piling.
Ang babaeng iyon. Tama siya na nga iyon. Kay tagal din mula nang huli kaming nagkita. Siya lamang ang tanging taong kinamuhian ko ng ganito.
Dala niya’y isang bag na hindi kalakihan, maikling palda ang suot at hapit angn damit. Bakas na rin ang katandaan sa kanyang mukha na pilit niyang itinatago gamit ang sari-saring kolorete.
“Dumating ka pa. Ni hindi mo man lamang siya nasilip noong nasa bahay pa siya. Hina…”
“Hindi madaling tumakas sa amo ko.” Pagputol niya sa aking sinasabi habang sinisindihan ang sigarilyong dinukot sa kanyang bag. Nagawa pa niya akong alukin.
Napangisi ako, ngising may halong galit. “Sana hindi ka na pumunta dito. Sana tumigil ka na lang sa bahay ng kabit mo! Sambahin mo ang pera nya at ikatutuwa kong mabulok ang kaluluwa mo kasama ang konsensya mo! Kung may natitira pa.”
Akma niya akong sasampalin ngunit hindi na niya itinuloy. Sa halip ay gumanti siya ng ngiti.
“Marami ka na rin palang natututunan sa matandang iyon. Kumusta na ang matandang si Telma?”
Inilapit ko ng bahagya ang aking katawan sa kanya. Nakita ko ang ilang pasa sa kanyang mukha pero hindi ko iyon pinansin.
“Huwag na huwag mong babastusin ang mga kumupkop sa akin. Dahil mas mahal ko sila kaysa sa dugong dumadaloy sa katawan ko. At ikinahihiya kong galing iyon sa iyo!”
“Matalas na ang tabas ng dila mo!” at itinuloy niya ang kanina’y naudlot na sampal. Ramdam ko ang init ng palad niya sa aking pisngi. Hindi ba’t sana’ yakap iyon ng pakikiramay o haplos ng nagdadalmhati, kung di man?
“Kung hindi ka nagataksil kay Itay, sana’y nagkaroon pa ng pagasang maging masaya ang pamilyang sinira mo! Kung hindi ka nagpaakit sa tukso… Ikaw… Makasarili ka! Pinagdusa mo si Itay sa kasalanang ikaw ang gumawa! Ikaw ang dapat na nakabaon sa lupa ngayon at hindi si Itay!”
Mainit ang luhang dulmaloy sa aking pisngi. Ang mukha niya ay walang bakas ng pagkatinag o ng konsesya.
Noo’y dagli kong iniabot sa kanya ang supot na huling habilin ng aking ama bago siya namatay bunga ng isang malubhang sakit. Hindi ko mapigilang ibalik at sariwain ang mga huling salitang binigkas niya.
“Ibigay mo iyan sa kanya. Hindi ko na kakitang suot niya iyan. Sayang… Mahal na mahal ko ang iyong ina.”
Nakita kong nabitiwan niya ang hawak niyang payong at ikinubli ang luha sa patak ng ulan.
Iniwan ko na siya doon. Iniwan ko na sila ni Itay. Iniwan ko siya, hawak ang lumang pulang bestida.

Advertisements

One thought on “PULANG BESTIDA..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s