At Pagkatapos…

Siguro kapag nakita kita, tititigan muna kita. Hindi kita kaagad kakausapin, itatanong ko muna kung nakita mo ba lahat ng pinagdaanan ko. Itatanong ko kung papasa na ba ako sa standards mo, itatanong ko kung alin sa mga desisyon ko nag hindi ko dapat ginawa. Itatanong ko kung naging proud ka ba na naging anak mo ko.

Isang araw, naisip ko, bakit nga ba ako andito. Dito, nahihirapan, nagsasakripisyo, napapagod, nagagalit, nalulungkot. Lahat yan Papa, pinagdadaanan ko po. Tapos, ako din pala ang sasagot ng tanong ko, Isa lang, dahil naranasan mo to nung nasa posisyon kita. Ang pagkakaiba, mas magaling ka.

Madalas gusto ko nang sumuko pero naisip ko na hindi mo kami sinukuan. Minsan naiisip ko na umalis na lang, i-give up na lang lahat, pero naisip ko hindi mo kami iniwan hanggang sa time na kailangan mo na pumunta jan, kung nasan ka man ngayon. Kadalasan sa gabi umiiyak na ko tapos naiisip ko ayoko na. Naisip ko, umiyak ka din kaya ng ganito? 

Nadapa ako, nagkamali, nasaktan, nakasakit, lumuha, umiyak, sumigaw, nagmahal, nmasakatan, nagmahal, nakasakit. Pero Papa, dahil tinuruan mo ko ng isang bagay na hindi naman lihim, kinakaya ko po lahat. Tinuruan nyo po akong lumaban kasama ng pamilya. Tinuruan nyo po ako na dapat pamilya muna bago ang lahat. Tinuruan nyo po kong magmahal ng kapatid, ng magulang. Kayo po ni mama. Kung paano tumulong sa iba kahit hindi kadugo, kung paano magbigay, kung paano makitungo, kung kailang kailangang lumaban, kung ano ang dapat ipaglaban, kung ano ang tama at mali, kung kailan dapat sumuko. Kung paano ang disiplina, kung paano magtiis, kung paano mangarap.

Kapag lahat yan nasabi ko na sa’yo, yayakapin kita ng mahigpit Papa. Sasabihin ko kung gaano kita namiss. Sasabihin ko na mahal na mahal kita, kayo ni mama at ng mga kapatid ko. Sasabihin ko na ikaw ang idol ko. Sasabihin ko na kinaya ko na wala ka pero mas kakayanin ko kung kasama kita. At pagkatapos, hinding hindi ko na po kayo bibitiwan. 

Papa, see you when I get there.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s