Kumusta Ga Pareng Ayong?

Tuwing susulat ako ng kung ano man na para sa’yo, palagi akong kaagad na luluha sa unang salita pa lamang. Pero hindi po ngayon. Gusto ko lang makipagpulong. Gusto ko lamang malaman kung kumusta ka na ba ga diyan. Gusto ko lamang malaman kung ano na ga pong lagay ninyo diyan. Siyempre, wala akong makukuhang sagot pero gusto ko lamang pong may makapulong habang iniisip ko ang dati ay pinapangarap natin na sama-sama.

Nakakatuwa Papa. Ang lalaki na ba ga nina ineng. Malaki pa po sa akin. Ang Bilis ng panahon. Noon ay natakas lamang tayo sa Mama sa pagbili ng kung ano mang magustuhan sa 7-11. Ngayon ay sila na lamang tatlo ang nagdedesisyon kung anong gagawin nila sa araw-araw. Ang bilis po ng panahon Papa. Dati ay palo at malakas na boses ninyo lamang ang alam naming parusa. Ngayon, napakalaking dagok at parusa na magkahiwa-hiwalay kami para lang mabuhay. Napakabilis po ng panahon Papa. Dati naghahabulan lamang kami sa loob ng bahay naten na inaki ba ga’y magigiba na, gayong may tukod na sa silong. Ngayon po’y nakikipaghabulan na kami sa maikling oras ng buhay, nakikipaglaro sa tadhana at posibleng oportunidad na makaahon sa buhay na dati ga naman po ay kasaya-saya naman.

Ngayon naman po ay masaya pa din. Kahit ganireng naiwan nga po ang tatlo sa atin, sabi ko naman po sa kanila ay masaya ang buhay. Na maswerte po kami na napalaki nyo naman kami ng matatag at naharap ng maayos sa problema. Na kami po ay malulusog. Naku po Papa, pag nakita nyo po si Bebe. Pagkakalusog po. Sinabi ko po sakanila na hindi dahil hiwahiwalay kami ay pinabayaan na namin sila ni Mama. Alam nila kung bakit po kami ay narine at nagtatrabaho. Ipinaliwanag naman po namin sakanila na isang araw, magkakasama-sama din po kami. Syang ga nga lang po at kayo ay naandiyan na. Di ga’y mas masaya sana kung andine pa kayo. Ay sabi ng Inay Mindoro, ay talagang ganyan ang buhay.

Miss ko na ga po kayo Papa. Minsa’y naiisip ko na hindi sigurado ganito kahirap ang buhay kung nadine kayo. Malamang na hindi ako malayo kina Ineng. Malamang na mas masaya. Pero Masaya po ako Papa. Sa totoo lamang ay napakaraming nagmamahal sa akin. Maraming nnagaaalala para sa akin at alam ko na kahit wala ka na dito, hindi ako magiisa kahit kailan. Siguro po ay dahil na rin sa mga turo ninyo ng Mama na ipinagpapasalamat ko po. Maraming salamat po Papa. Maraming salamat po sa inyo ng Mama.

Tutulog na po ako. Namiss ko lamang po ang ating huntahan bago ako matulog. I miss you Papa. See you when I get there.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s