Mi Ultima Carta

Mahal, sumulat akong muli

Sumulat akong muli upang marinig

Hindi ang iyong tinig o ang iyong himig

Kundi ang ating dulang nalipasan ng pagibig

 

Mahal, isinulat kong muli ang ating kwento

Noong panahong walang ikaw, ako, wala pang tayo

Noong araw na una kong nasilayan at natitigan

Ang ngiti mong abot langit, ang mukha mo na kay liwanag

 

Naaalala mo, alam kong naaalala mo

Ang init ng aking kamay, ng yakap at ng halik

Mahal, alalahanin mo, pakiusap alalahanin mo

Ang mga araw, minuto, segundo na kay tamis

 

Naaalala ko, Mahal malinaw sa aking isip

Lahat ng ating pangarap, lahat ng nais makamit

Pinangarap natin ang buwan, inabot nating pilit

Ngunit sa aking paglingos, wala ka na sa aking piling

 

Hinanap kita, hinanap kang pilit

Naaalala mo ba? Nangako ka ng pagibig

Pagibig na walang tapos, pagibig na walang dulo

Bakit sa ilalim ng buwan ay nagiisa ako?

 

Aking Mahal, nasaan ka?

Naligaw, nawala, hindi kita makita

Isang milyong talatang nilikha ng aking puso

Hindi alam kung isisigaw, isusulat ba o baka isuko

 

Kaya ngayon, ako’y sumulat, sa munti kong pahina

Upang sabihin sa iyo na ako ay nandirito pa.

Mahal ko, ito’y huling liham na inakda at pinakaigihan

Para sa iyo’y ipaalam, na ako’y maghihintay lamang.

 

I wrote this for two people whose very close to my heart.. I hope your hearts find their way back where they belong; together. Love, ate Nene.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s