Dose

Dear Papa

Sobrang takot na takot ako noon. Halos wala akong maalala kundi ang paghingi ko ng tulong sa mga tao, at ang mukha mo; ang mata among lumuluha. Malamang wala ka nang alam sa nangyayari noon. Hanggang sa unti-unti kang nawala.

Noong isang araw, nanalo ako sa isang speech contest. Chamba; I thought my speech was actually lousy. Tungkol sa’yo ang speech ko and how you brought me up to what I am today. I miss you, I guess, is all that I wanted to say. Twelve years has passed, bilis ‘no? Sobrang bilis, sobrang dami na nangyari. And dami na naming naiiyak, naitakbo, nailaban, naitawa, hagalpak, dapa, bangon, dapa, bangon ulit. And with every dapa that we get, we learn our lessons. Mama has been around us anyway to keep us on track. Ang dami na namn isusumbong. Napakadami na naming ikukwento. Alam ko na naririnig at nakikita mo pero pag nagkita tayo diyan, ikukuwento ko ulit lahat.

Labing dalawang taon at naririnig ko pa din ang boses mo. Labing dalawang taon at naaalala ko pa din ang amoy mo, ang gaspang ng balbas mo, ang hugis ng Malaki mong tiyan at itsura mo habang nakaupo sa papag nating sahig at nanonood ng balita sa gabi. Napakadaming taon at naaalala ko pa din kung paano mo ako tinatakot tuwing di ako kumakain ako ng gulay ng pansit na luto ninyo ni Mama o kapag ayaw kong tumulong sa paglalaba. Ang tagal tagal na at natatawa pa din ako sa kwneto kung paano ko napatay ang Texas mong sisiw dahil “pinaliguan” ko sila. Ang habang panahon na ang lumipas at naiiyak pa din ako tuwing gumagawa ng sulat para sa iyo.

Minsan iniisip ko pa din kung anong nagging buahy natin ung buhay ka pa. Siguro, tambay pa din ako at walang trabaho. Siguro maputi na ang buhok mo at kasama pa din kita sa tindahan natin na malamang tatlo na ang branches. Malamang nakapunta na tayo sa iba’t ibang bansa.

Papa, hindi nagging madali. Hindi pa rin madali ngayon. Siguro sa mga susunod pang taon. Pero salamat po sa turo, na hindi ka dapat bibigay sa problema kahit gaano kalaki iyan. Magbibigay ka sa mga may kailangan dahil ikaw ang may kakayahan at nag magsakripisyo para sa ikakabuti ng mas marami.

Papa, miss na kita. Sobra po. Sobrang sobra Papa.

See you when I get there.

Love,

Nene

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s