Anong PaBirthday Mo Papang?

Masaya ka ano, Birthday ko na naman, wala pa akong biyenan. Kaunti na lamang, lampas na ako sa kalendaryo. ‘Di na din biro, ano?

Mas mahirap na ngayon Pa. Mas malaking pagsubok, pero araw-araw mas sumasaya ang buhay. Sana andito ka para kasma kita sa bawat tagumpay ko. Pero alam ko na nakikita mo ako, kami; at alam kong masaya ka din.

Huy, gabayan mo pa din ako ha? Gabayan mo pa din kami. Alam mo ga, sa tuwing ako’y susuko na, aalalahanin ko nung bata ka at nagtitinda ng gulay sa daan, o makikisilip sa bintana ng kapit-bahay at makikipanood ng tv. Sa tuwing gusto kong manakit ng kapwa, iniisip ko kung paano kayo ni Mama tumulong sa lahat ng kaya nyong tulungan. Kung paano magpatawad si Mama. Hindi rin nga pala biro eh, ano?

Sumulat lang ako kasi birthday ko. Baka kako may ihuhulog kang regalo galing jan. Pwede na ang maboboypren.

See you when I get there Papang.

Love,

Your not-so-Nini

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s