Laot

Nagbadya ng bagyo ang dilim ng gabi

Kita ko ang buwan ngunit ramdam sa dibdib

Ang alon ng dagat na hindi mapakali

May unos na parating, hangin ang nagsabi

 

Ihanda mo ang iyong sandatang tago

Hawakan ng mahusay, patalim na hinango

Sa apoy pinanday, hinulma, pinagtibay

May parating na bagyo, bulong niyang malumanay

 

Tibayan mo ang puso, tibayan mong tunay

Baon ko ang aral na mana sa buhay

Baon ko ay tapang, gilas at isip

At pananalig na balang araw, kakalma ang tubig

 

Lakbayin mo ang dagat, tawirin ang laot

Wag kang aatras, wag matatakot

Sa kabila ng alon, doon naghihintay

Yamang hindi ginto, yamang panghabang buhay

Advertisements

Protected: Mulong

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Huy, Pareng Ayong

Nalipasan pero di nakalimutan. Huwag na huwag ang magtatampo. Noong araw na yon ay iniisip kita sa maghapon, kako ba ga, “Totoo kaya ang pangalawang buhay?” Kung totoo man, saan ka kaya napunta? Biro lang.

Lilipon lang ulit ako sa iyo. Para ba gang katagal na nating hindi naguusap. Katagal na nating hindi nagkita.

Labing isang taon na. Labing isang taon na kinailangan naming pigilan bawat iyak, bawat sakit, bawat hirap. Labing isang taong ginusto naming magsumbong sa noo’y kinatatakutan ng lahat ng mangaapi. Labing isang taon… na ang tanging nais ko’y sabihin sa iyo na “Huy, andito na ako, malayo layo na rin ito. Halos maabot ko na ang naabot mo. Alam kong hindi kita malalagpasan pero mapapantayan, malamang.” Labing isang taon… Ang tagal na ano? Na ako’y nangungulila.

Natakot ako nung isang araw, na baka makalimutan kita. Ang pakiramdam ng yakap mo, o ng yakap ko sa malaki mong tiyan. Natakot akong makalimutan ang amoy ng damit mona nilabhan ni Mama, o ang amoy mo kapag uuwi kang lasing at gumegewang. Gumegewang gewang pero deretso sa aming kwarto para silipin kung nakagat kami ng lamok. Hilong hilo pero alam kung saan dadapo ang mainit mong kamay; sa aming ulo, haplos na sinasabi ba gang “Andito na ako anak. Tutulog na din si Papa.”

Kaya ayaw kong kumustahin ka, lagi akong naiiyak. Lagi akong nalulungkot. Palagi kong naiisip kung ano kayang nangyari kung andito ka pa rin. Niiyak akong isipin na, wala na akong kinukumusta at kahit anong daming sulat angiparating ko sa iyo, walang babalik na sagot. Ako lamang din ang hihiling na sana, kung may panagalawang buhay nga, nanonood ka sa bawat tagumpay ko. Sana naririnig mo lahat ng hinaing ko. Sana nayayakap mo ko kahit hindi ko ramdam (huwag ka magpaparamdam!). At sana, kapag nagkita na tayo ulit, maipagmalaki mo pa rin ako diyan, kung nasan ka man.

Dalaw ako paguwi Papa. See you when I get there!

Tong-its

DSC03821

Sugal, ito ang aking hiling

Ito ang tanging nais, na ibigay mo sa akin

Hindi ko tatanggapin ang kahit anong barya

Hindi ko gusto kahit malutong mong pera

 

Itapon mo ang pusong iyong pinaka tago tago

Wag kang matakot na matalo sa balasang ginawa ko

Kahit anong gawing halo o daya ng tadhana

Itapon mo ang puso nang baraha ko ay mabuo

 

Sumugal ka naman, utang na loob, pakiusap

Dahil ang mga hawak mong baraha ay di ko maaninag

Heto na lahat ng ako, nakababa, nakalatag

Pero ang plano mo sa atin, wala, di ako mapanatag

 

Ano na? Ipapatalo ko ba ang laban?

Hahayaang masunog na lang lahat ng pinangarap?

Akala ko ba dahan-dahan lang, walang dayaan?

Tapon ako ng tapon tapos ikaw bunot ng bunot lamang.

 

Dapit Hapon

Para sa unang tagpo na
Tila ba sinadya
Para sa sulyap mo sa aking
May ibang ibig sabihin
Para sa unang ngiting
Pinagsimulan ng “natin”
Para sa luma nating damdaming
Tayo’y nagdusang pigilin.
Para sa tagpong ito
Na hindi ko inakala
At sa lahat ng duda
Na wala silang marararating, wala

Ngang nakasira,
Sa pangako kong abot langit
Na ang bawat salitang sinambit
Ay tutupdin hanggang bingit
Ng kamatayan…

Ng pagibig na sayo lamang iaalay.
Hangga’t buhay at pumipintig
Ang puso…
Kong nabaliw, nalito at sumaya
Sa pagpapakipot, sa kwento
Sa lahat ng yong dala

Ako’y nagpapasalamat…
At hindi ka bumitiw at napagod
Sa pagpapapaalala na hindi lahat ay makukuha
Na hindi lahat ng naririnig at nakikita
Ay tunay, pagtitiwalaan,
Minsan kailangan magduda.
at masaktan, umiyak at madapa
Maiwan ng magisa

At kung, sa paglubog ng araw
Pag sapit ng dapit hapon
At tuluyang dumilim na itong aking mundong
Ikaw lamang ang nagpaugong,
Kapag iyong naramdamang wala na ngang pagibig

Ako’y iyong yakapin, hagkan mo ako mahal
Saka mo ako bitiwan.
Ngunit wag mong aalisin
Jan sa iyong isipang
Ikaw lamang, mahal
Ang nais kong katapusan.

IMG_2595

Isa Pang Yakap, Papa.

image

Nung huli tayong nagusap, naaalala ko pa po ang huli nyong sinabi. “Hindi sa lahat ng oras andito si papa. Pag nawala ako, ikaw na ang partner ni mama.”

Hindi ko po kinakalimutan. At pagkatapos nga ng ilang araw, iniwan mo na kami.

Papa, hindi ko po alam kung nasa tamang daan ako. Hindi ko rin po alam kung tama ang ginagawa ko pero hindi ko rin po alam kung ano mang mali ang ginawa ko. Sinasaisip ko lang po ang bilin nyo.

Pa, kung andito ka magsusumbong po ako. Kung paano po ako nasaktan at nasasaktan. Kung anong hirap ang mga dinaanan namin at mga dinadaanan pa. Kung gano ko kagustong magsalita sa lahat ng nanakit kay mama at sa mga kapatid ko. Kung gaano ko kagustong baguhin yung buhay na naiwan nyo.

Pero hindi ko po gagawin dahil kayo din po ang nagturo saakin ng lakas ng loob, paggalang sa tao, pagpanig sa tama, at wag na wag ang sasagot sa mas matanda. Na huwag susuko, na pamilya muna, na walamg imposible sa nagsusumikap, na libre mangarap pero pagtatrabahuhan para makuha yon. Tinuro nyo rin po na tayo-tayong pamilya lang ang magtutulungan. Nakita ko po sainyo kung paano maging tunay na kaibigan. Tinuro nyo po na hindi pera ang sukatan, kundi ang moral, na dapat magpakababa sa lahat ng oras. Napakadami pa po. Dala-dala ko naman lahat.

Sa ngayon po, nahihirapan man kami ni mama, malayo man kami nina ineng sa isa’t isa, may mga taong maliit ang tingin saamin, may mga taong pilit na sasaktan kami, alam ko naman po na hindi susuko kahit isa sa pamilya naten, hindi ko rin po sila susukuan.

Pero, hihingi po sana ako ng pabor. Papa, isang yakap pa po. Yung mahigpit.

 

a father’s love

this morning i planned to go to my friend’s house … it was her father’s 4oth day (death). i saw my nails are all bad to look at. they really are dirty so i decided to clean them and unfortunately saw that the remover was all empty. i went to the nearest store and search for this pink remover and to look for the best color of nail polish for my nails. (they are growing really yellowish because of always putting this nail colors).

people are all staring at me. no wonder, my hair is curled up because of this interview i attended yesterday (and i haven’t had my bath yet, haha).

well, anyway, as i was looking for these items, i heard a child said, “tatay, gusto ko ay yung yellow,”. I looked at the kid and she was with a sister and her father. the other said; “ay! binili ako ng inay nito nung pasko. kaganda nga.”, while holding a little bag on her hand. they were both smiling while holding there umbrellas. “ate, iyo yang red ha? akin tong dilaw.”

“cge.”

“ayan ha, naibili na. ay dapat makaperpek na sa skul ha.” said their Tatay. and they all laughed. He held his daughters’ hand and walked towards the cashier.

i smiled on them. I saw the father’s eyes, and by that i remembered something.

That day i was with my father. we were about to pick my lolo at the port (my lolo is a ship captain). while we were on our way, my lola called and said that my lolo’s schedule was cancelled. we were at manila already so Papa decided that we just hop at the nearest mall to eat (that was lunch time already and i really have to have some grubs).
it was like a father-daughter date. people stares at us and smiled. i heard them say i look very much like my father. and i got his height too. i didn’t get bored with our date. i enjoyed it actually. after eating, we walked around and try to find something to bring home. while my father was looking for a pair of shoes at the dept. store, i stopped by a goo0d-looking shirt. i wasn;t aware Papa was on my back already. he picked the shirt held my hand and lead me to the nearest fitting room. i just smiled while he was dragging me. after fitting the shirt and showed him (he said, “ang ganda ng damit, ikaw pangit,” and laughed.
we just bought donuts and went home….

while on our way, i feel very happy. i have something to boast about with my sisters. i knew they’ll get jealous of this. hehe, im really maldita when i’m young.
that time i feel so proud with the shirt.

NOW…. i feel so happy to have him as my father. he gave me, not everything, but all i needed, what our family needed. I am lucky to have him.

and you guys, whose their father are still with them, nagging all the way whenever caught in curfew, working everyday to give you baon for school, getting mad on his princess’ suitors telling her he’ll kill the guy, will say he does not want her joining pageants but will be the first one to clap whenever he sees her onstage, will bring and pick you up at school, wil say “anak”, a father you’ll see hugging your mom, a father that you can hear laugh like roaring lion. i feel very lucky to have a father like him, but you are luckier to have him beside you for a longer time. i would have wanted him beside me, i would have wanted someone to guide me and my sister, i would have wanted an adviser, but i have chances no more.

a father’s love is what on infant inside her mother’s arms craves for. what I, janice, my kuya and some other craves for. treasure him. love him and respect him while he’s still around. while you still have time, and when the moment comes that he have to go, you won’ have any regret .

miss you Papang….

PULANG BESTIDA..

Ramdam ko ang pakikiramay ng ulan sa akin. Naririnig ko sa nagngangalit na hangin ang hapis na aking nararamdaman. Hindi lamang pagiisa at pangungulila ang nababatid ko sa aking puso. Galit-
“Anak, hindi ka ba sasama sa akin sa laot?” tanong ni Itay habang inaayos ang lambat at ilaw na lagi niyang inilalagay sa bungad ng pinto..
“Ho?… Si…”
Hindi pa man tapos ang aking tugon ay sumabad na si Ina.
“Huwag na Mario. Mas mainam kung mangangahoy yang anak mo nang pareho kayong mapakinabangan. Aba’y napapagod din ako sa kagagawa ditto sa bahay, akala ninyo.” May pagmamalaki sa boses niya na tila baga’y buong araw na gumagawa ng mgta gawaing bahay.
“Siya kung ganoon ay ako’y papalaot na.” Nahihiyang sagot ni Itay at nakatungong binitbit ang lambat at lampara sakaling siya’y abutin ng dilim sa dagat.
Nang makalayo si Itay ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Ina. Nakatingin siya sa akin. Sa tuwing gagawin niya ito ay laging sumasagi sa isip ko ang mga papuri o panhiinis ng mga tao sa labasan, magkamukha daw kami ni Ina, at marahil daw ay magkaugali. Tumaas ang isa niyang kilay at ngumiti ng bahagya. “Baka naman gusto mo nang kumilos Marlon? O baka, hinihntay mo’y latay na naman?”
Sa takot ay umusod na ako palabas ng bahay at tumungo sa gubat sa may likuran ng bahay.
Unti-unti nang isinusulong ang kahong lulan ay malamig na bangkay ni Itay. Mahigpit ang akingn kapit sa supot na ibinigay niya sa akin. Hindi ko mapigilang umiyak at magdalamhati. Halos hindi ko na maramdaman ang lamig na dulot ng malakas na ulan. Ang yakap ng ulan at hangin ang humahaplos sa aking katawan, nakikiramay.
Sumapit na ang dilim. Dinig ko ang yabag ng mga paa ni Itay sa mahuna naming papag. Deretso niyang inilapag ang bitbit na lambat at lamparang wala nang sindi sa may bungad ng pinto. “Marlon, anak! Nasaan ka? Lika’t ako’y may dala para sainyo ng iyong ina.” Dinig kong may saya sa tinig niya bitbit ang dalawang supot, mar4agil ay para sa amin ni Ina. Ngunit para bang bukal ang aking dibdib. Bumubukal ang napakalakas na takot. At ayaw kong malaman niya iyon.
Tinapik ako ni Tiya Onang sa aking balikat. Hudyat na kailangan na niyang umalisat balikan ang mga munting anak na kanyang iniwan sa kanilang dampa.
“Anak, sa tingin ko’y kailangan na nating umuwi. Lumalaks na ang ulan at baka magkasakit pa tayong dalawa. Kung gusto mo’y sumabay ka na sa akin paguwi.” Yakag ng butihin kong Tiya.

Tanging ngiti lamang ang naitugon ko at tuloy asy napatungo. Alam na ni To\iya ang ibig kong ipahiwatig. Umalis na siya at iniwan na kaming dalawa ni Itay.
Hindi tumigil sa panginginig ang aking mga kamay. Piglan ko mang pilit, kita pa rin at ramdam sa mukha ko ang takot. Patuloy anng pag-alog ni Itay sa maliit kong katawan. Pitong taong gulang na ako ngunit payat at hindi kasiglahan.
“Ano ba ang nangyri? Ano ba ang nangyayari sa iyo?! Sumagot ka!” sigaw ni Itay.
Iling lamang ang kayang isagot ng mura kong isip. Pinipilit kong umimik ngunit hindi ko kaya.
Tahimik. Tahimik ang paligid. Walang umiibo sa aming dalawa. Si Itay, nakatingin lamang siya sa pinto ng silid nila ni inay, na lubha kong ikinatakot.
“Ina!!!!!”
Gusto kong lamunin ng lupa ang katawan ko. Nais kong ngumanga ang bunganga ng tinatapakan ko, kainin ako at lulunin. ‘Isama mo na ako Itay’ ang mga salitang naglalaro sa aking isip. Gusto kong sumugaw ngaunit natatakpan ng lungkot ang aking lalamunan. Parang batong bumara ang hapis na aking nararamdaman.
Hindi ko alam ang dahilan. Pagiisa? Paghihirap? Pagdurusa?
Halos di ko maabutan ang yabag ni Itay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta hawak niya ako sa mapayat kong braso. Tinataning ko siya kung saan kami tutungo, ngunit tahimik lamang siya. May kunot sa noo at nanginglid ang animo’y mainit na luha sa malamlam niyang mata.
Kasalanan ko ito. Hindi ako nagbantay. Pero kasalanan n iya ito. Siya ang may kasalanan.
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin. May kirot sa aking puso, dumalaw ang luha naming ni Itay ng halos sabay. Iyo’y hudyat ng kanyang paghinto mula sa paglalakad. Lumuhod siya sa aking harapan, kasunod niyon ay narinig ko ang pagiyak ni Itay.
“Itay…” ang tangi kong nasabi. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at pinahid ang luha sa pisngi ng kaawa-awa kong ama.
Nagising ako sa katre sa silid ng aking lola. Doon nga pala kami dumeretso sakay ng isang de-padyak. Inilibot ko ang aking mata ngunit hindi ko natagpuan si Itay sa aking piling.
Tama, sila nga ang narinig kong naguusap. Ang malambing na tinig ng isang ina, kay tagal ko ring hinanap.
‘Hindi kita pinilit na pakisamahan angn babaeng iyon…” sabi ni inang Telma. “…at ayaw ko rin sanang panagutan mo ang hindi mo kasalanan.
Hindi ko maintindihan. Sino ba ang nagkasala? Ano ba ang kasalanan? Napakagulo ng kanilang paguusap.
“Inang baka marinig kayo ng apo ninyo. Opo alam kong may pagkakamali din po ako sa mga nangyari, pero…”
“Anak huwag mong sisihin ang sarili mo. Minahal ko rin si Marlon, pero hindi..”
“Inang tama na ho… Anak ko ho si Marlon…”
Di pa man tapos ay tinapos na ng ama ko ang kanilang usapan, pumunta sa kusina at ipinagpatuloy ang marahil ay kanina pang niluluto. “Ipagluluto ko kayo ni Marlon ng paborito nyong dalawa.”
Alam kong pareho silang ngumiti.
Noo’y bumangon na din ako at tinungo ang aking Inang. Ngiti agad ang sumilay sa kanyang labi.
“Amoy sinigang, Inang. Nagugutom na po ako.’’
“Hijo, halika’t ika’y hahagkan ko.”
Pagkatapos ng halik sa aking noo ay inakay na niya ako sa kusina at pinaupo sa hapag malapit sa kanyang piling.
Ang babaeng iyon. Tama siya na nga iyon. Kay tagal din mula nang huli kaming nagkita. Siya lamang ang tanging taong kinamuhian ko ng ganito.
Dala niya’y isang bag na hindi kalakihan, maikling palda ang suot at hapit angn damit. Bakas na rin ang katandaan sa kanyang mukha na pilit niyang itinatago gamit ang sari-saring kolorete.
“Dumating ka pa. Ni hindi mo man lamang siya nasilip noong nasa bahay pa siya. Hina…”
“Hindi madaling tumakas sa amo ko.” Pagputol niya sa aking sinasabi habang sinisindihan ang sigarilyong dinukot sa kanyang bag. Nagawa pa niya akong alukin.
Napangisi ako, ngising may halong galit. “Sana hindi ka na pumunta dito. Sana tumigil ka na lang sa bahay ng kabit mo! Sambahin mo ang pera nya at ikatutuwa kong mabulok ang kaluluwa mo kasama ang konsensya mo! Kung may natitira pa.”
Akma niya akong sasampalin ngunit hindi na niya itinuloy. Sa halip ay gumanti siya ng ngiti.
“Marami ka na rin palang natututunan sa matandang iyon. Kumusta na ang matandang si Telma?”
Inilapit ko ng bahagya ang aking katawan sa kanya. Nakita ko ang ilang pasa sa kanyang mukha pero hindi ko iyon pinansin.
“Huwag na huwag mong babastusin ang mga kumupkop sa akin. Dahil mas mahal ko sila kaysa sa dugong dumadaloy sa katawan ko. At ikinahihiya kong galing iyon sa iyo!”
“Matalas na ang tabas ng dila mo!” at itinuloy niya ang kanina’y naudlot na sampal. Ramdam ko ang init ng palad niya sa aking pisngi. Hindi ba’t sana’ yakap iyon ng pakikiramay o haplos ng nagdadalmhati, kung di man?
“Kung hindi ka nagataksil kay Itay, sana’y nagkaroon pa ng pagasang maging masaya ang pamilyang sinira mo! Kung hindi ka nagpaakit sa tukso… Ikaw… Makasarili ka! Pinagdusa mo si Itay sa kasalanang ikaw ang gumawa! Ikaw ang dapat na nakabaon sa lupa ngayon at hindi si Itay!”
Mainit ang luhang dulmaloy sa aking pisngi. Ang mukha niya ay walang bakas ng pagkatinag o ng konsesya.
Noo’y dagli kong iniabot sa kanya ang supot na huling habilin ng aking ama bago siya namatay bunga ng isang malubhang sakit. Hindi ko mapigilang ibalik at sariwain ang mga huling salitang binigkas niya.
“Ibigay mo iyan sa kanya. Hindi ko na kakitang suot niya iyan. Sayang… Mahal na mahal ko ang iyong ina.”
Nakita kong nabitiwan niya ang hawak niyang payong at ikinubli ang luha sa patak ng ulan.
Iniwan ko na siya doon. Iniwan ko na sila ni Itay. Iniwan ko siya, hawak ang lumang pulang bestida.

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑